Friday, December 5, 2008

subok lang

Sa loob ng 1 buwan, dalawa agad sa amin ang nalagas. Hindi ko pa isinama sa bilang yung umalis nung September. Nagiging maliit na ang mundo at espasyong ginagalawan ko ngayon dito.

Sa loob ng 6 buwan, nakakilala ako ng mga taong alam ko na mapapagkatiwalaan ko at talagang maituturing kong kaibigan. Ngayong parehas ng wala yung dalawa, nalagasan ako ng mga taong masasabihan ko ng mga hinaing at sama ng loob ko.

Sa loob ng 1 taon at kalahati, nakahanap na sila ng paraan para lisanin ‘tong trabaho na ‘to. Nakawala na sila sa mga paulit-ulit na tanung at pressures. Sa wakas, may tsansa nang gumanda ang career nila.

Sa loob ng 1 taon ko pa nakikita ang sarili ko na kikilos at mag-isip isip kung kaya pang tumagal o hindi na.

Tulad nila kinaya nila lahat within their stay here samantalang ako umpisa pa lang nagdadalawang isip na. Sana nga lang tulad nila makatagal ako ng 1 taon at kalahati dito. Well, tignan natin. Hindi naman sa pagsuko at pagdapa nasusukat ang laban eh kundi sa paraan kung paano ka lumaban.