Bagong taon na naman, marami na namang naglalabasang resolutions.
Ako? Isa lang naman ang naisip ko ngayon- bawas sa yosi. Habang tumatagal at habang di ko pinapansin lumalakas ako manigarilyo. Iisipin ko na lang na ang bawat isang stik ng yosi ang katumbas ay etits. Kung sa isang araw ay makakasampung yosi ako eh di parang sampung etits na rin ang nahithit ko. Ampanget, hindi maganda. Kung ganito ang magiging pamantayan ko, tiyak makakabawas ako. Matikas na motivation yun para kumunti ang hihithitin kong yosi. Hehe
Hindi nasusukat sa ilang stiks ng yosi na yoyosihin ko ang bigat at dami ng pagmamahal ko sa kanya. Kung sa magiging pamantayan ko naman babasehin, hindi rin naman sa paghithit (sex) nasusukat yun. I believe there’s a profound reason why I opt to stay. Naks!
Tandaan mo hon, sa bawat usok na ibubuga ko mula sa mga yosi na sisindihan ko sa mga susunod na araw, kasama doon ang mga bagay na mali at hindi natin napagkasunduan nung nagdaang taon. Pipilitin ko na maging close to perfection gaya ng pagsisimula kong magbawas ng nicotine sa baga para nang sa gayon wala kang maireklamo at hindi ka maghanap ng ibang yosi na hihithitin. Hehehe =)
“Love is an exploding cigar we willingly smoke”- Lynda Barry
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment