Tuesday, February 17, 2009

undertime

Dalawang araw nawala si “jiggly”. Siyempre sinamantala ko ang pagkakataon na yun.

Apat na buwan na mula nung huli akong nag- undertime sa trabaho ko. This time hindi ko ‘to ginawa dahil sa may kailangan akong habulin o ayusin. Wala lang, gusto ko lang maexperience umuwi ng maaga. Sarap ng pakiramdam na umuwi ng may sikat pa ang araw, magtrabaho ng walang inaantay na utos at walang masyadong maraming tanung na kailangang sagutin, makipagsiksikan sa LRT dahil rush hour at maabutan ang family ko na nagdidinner.

Minsan lang ‘to mangyari. Siguro 1 beses sa kada apat hanggang anim na buwan. Nakita mo ang gap? Masyadong malayo. Isipin mo na lang kung gano kaswerteng maituturing ang sarili ko nung araw na wala siya. At isipin mo na lang din kung ganong pagtitiis ang kinakaya ko… na sa araw-araw na ginawa ng diyos pagmumukha niya ang nakikita ko, malaki at nakakatarantang boses niya ang naririnig ko at masyadong malakas na presence niya ang nararamdaman ko.

Mahaba pa siguro pagsasamahan namin. Wala pa naman ako balak lisanin siya, hindi pa siguro panahon kahit pinipilit ko na oras na at talagang puro “pagtitiyaga” na lang ang ginagawa ko.

Kailan kaya uli mangyayari ito? Para makaramdam naman uli ako ng kasiyahan na nakukuha ko sa pag-undertime. Maliit at walang kwentang bagay kung tutuusin ang pinaghuhugatan ng saya ko pero malaking bagay na sa akin yan. Isang araw ng kalayaan kung maikukunsidera.

No comments: