Bilang na ang mga araw ko sa kompanyang unang nagturo sa akin kung paano maging madiskarte. Di ko maikakaila na tuluyan nang nagsisimulang manuot sa aking isip na sa paglisan ko, maraming bagay din akong pilit na lilingunin.
Pero sa kabila ng nalalabing araw ko dito, hindi ko mawari kung bakit ako nagsasakripisyo ng malaki. Hindi na dapat ganito ang nararamdaman ko ngayon, dapat nga sana “take your time na lang ako” o kung hindi man eh “chillax” nalang ako. Kaso hindi ganun, napalitan yan ng inis, tampo at pagtataka na sa kabila ng mga pangyayaring ito heto ako’t nanatiling walang bayag at tikom- sobra sobrang pagtitiyaga at pagtitiis kahit sa mga huling araw. Haist!
Para sa’yo ka Freddie:
Mukhang pinagplanuhan mo ito, hindi naging maganda ang rehistro ng pagkatao mo sa kin. Mukha ring marami ka pang dapat pagpahalagahan. Ang trabaho ay hindi katulad ng isang klase na kapag boring ka na ay lilisanin mo para mag-cut o aabsenan mo.
Pumapasok ngayon dito ang usapang responsibilidad at pagiging prospeyonal. Ang isang tao na alam ang totoong kahulugan ng salitang responsibility at professionalism ay hindi tatakbuhan ang lahat ng mga naging problema. Pilit ko na pinapaalala sayo na may responsibilidad ka at sinabi mo na alam mo ang mga iyon pero heto ka’t naging karas-karas sa desisyon mo.
Kung anuman ang rason mo na tanging ikaw at ikaw lang ang nakakaalam, mabuti pang itago mo na lang yan… yan ang naging mitsa ng “inis” at “suya” ko sa’yo
Salamat kasi hindi man ang kompanya, pero ikaw ang sumulit sa natitirang 10 araw ko dito.
Gamit na gamit ang powers ko at drained na ang lahat ng ito.
Goodluck sa’yo.
Ngayon atat ako na makaalis na dito pero magmimistulang mantsa na mananatili sa aking damit ang lahat ng mga pangyayaring nagdaan sa mga nakalipas na araw.
Lilipad ako ng buong tulin patungo sa bago kong pugad.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment