It was my 2nd day at my new work and it was really a disaster. I came late at the office dahil sa pesteng problema sa traffic malas talaga kasi Friday dahil dumoble ang volume ng mga sasakyan na nasa kalsada. Dahil jan, my boss got irritated. Of course iba magiging dating sa kanya coz it is only my 2nd day and yet nakakitaan na ako ng lateness.
Everything follows, mukhang trip ata ako today and so “bengga- boy” ang naging papel ko ngayon. Malay ko ba naman na ganun siya ka strict when it comes to work. Ako ’tong si gago ang kulit super text at di nakuha kung bakit ako tinanung kung tapos na daw yung mga clients na dapat kong tawagan. Pangalawang bengga, nanlabsa ako sa sinabi niya habang nagetetxt ako. Parang tae na di na mapigilan ng puwet.
Boss: Is it important? Is it an emergency? (galit ha!)
Nyeta bawal pala magtext pag office hours kundi dapat pag break lang. Hayaan “nayari ka” tuloy ako. Nagpanggap na lang ako na important dahil kapatid ko katext ko. Salamat sis, ikaw napili kong ipangharang sa napipintong kahihiyan. Kung nabulunan ka man nung mga panahon nay un o nakagat mo dila mo, ayos lang yan. Hahahaha
Pangalawang bagay, pinagkatuwaan ako ng mga pokpokitang babae dito habang naglulunch ako sa pantry.
Pokpokita 1: Alam mo uso yung kulay ng skin mo ngayon, obvious na summer (tawanan)
Kinginamez ninyong lahat akala mo kung sino kayong magaganda, may araw din kayo. Makakasundo niyo din ako, di niyo pa nakikilala kung gano kagago at gano kabastardo ang tinirada niyo. Wait lang at malalaman ninyo kung gaano katabil ang dila ko. Heheheh
Don’t wori di ko naman tinuturing ang mga bagay na ito as dissatisfaction. Yun nga lang hindi ko maiwasang ikumpara ang trabaho ko noon sa trabaho ko ngayon. Maraming pagkakaiba oo pero andito na tayo eh. Hamon? Panibagong pakikisama at panibagong pakikibaka.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment