Thursday, March 12, 2009

unfaithful ang mga babae

Scenario: Kaninang madaling araw.

Pumara ng taxi para maihatid ako pauwi. Sakto “damatans” ang drayber, mas mabuti ng piliin ang mga matatandang driver... hindi marunong manggulang at maingat sa pagmamaneho. Ayos si manong, chikador. Tamang-tama lang para hindi ko makatulugan ang biyahe…

Naunang pagusapan ang pulitika, kahit na dumudugo na ang tenga ko tungkol diyan (dahil sa araw-araw na ginawa ko parte yan ng trabaho ko) nagrereact pa din ako sa mga sinasabi niya. Masabi lang na nakikinig ako hehehehe.

Naawa din ako kay manong nung sabihin niya na minalas siya nung oras na yun dahil nakotongan pa siya. Yung kinita niyang P340 sa tatlong biyahe ay nalimas lahat ng mga taranggagong pulis na walang ginawa kundi manlamang ng mga tao. Masakit pa nito, mahihirap na tao ang mas madalas na nalalamangan.

Pero natawa na lang ako sa mga susunod na pag-uusap:

Manong: Sa call center ka din brod?

Mokong: Ay hindi ho.

Manong: Ano trabaho mo?

Mokong: Diyan lang, sa dyaryo.

Manong: Ahh…. Pero siguro naman single ka pa?

Mokong: Oo naman ho.

Manong: Naku brod, huwag ka muna mag-aasawa ha. Sa totoo lang, mahirap makahanap ng tunay na babae ngayon, karamihan ng mga babae manloloko… kaya ok yan na single ka pa.

Mokong: (Tigalgal)

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ba niya alam na hindi babae ang hanap ko, na sa pulutong ng mga tao na makikita ko sa daan wala akong pakialam sa magagandang mukha at seksing katawan ng babae na nadadaanan at nakakasalubong ko. Hehehe Kapwa ko ang tanging makakapuno ng mga pantasya sa isip ko, ang makakapagpataas ng libido sa katawan ko at ang makakapagpaiyak sa mutaing mata ko.

Gusto ko sana siyang salungatin, na ang lalaki ang mas maloko. Lalo sa ganitong uri ng relasyon, walang kasiguraduhan… pag nangati ka, nagalit, nabuwisit, nawalan ng communication ang partner mo, nagsawa, napagod, nasakal lahat yan makakagawa ka ng panloloko. Minsan nga mas bumibilib pa ako sa mga babae dahil kaya nilang maging loyal up to their very last breath kahit sa kabila ng mga kagaguhan ng mga lalaki. Hehehe.

Pero nasa tao naman kasi talaga ang isyu na yan. Kung wala kang kontrol at hindi mo alam ang halaga ng word na “commitment”, talbos ka kahit opposite o same sex pa yang partner mo!

2 comments:

Herbs D. said...

i love talking to complete strangers with stuffs like this. like this one time on may way to my date, i was asked by the cab driver

"so saan mo po hahatidin yung girlfriend mo?"

"ha? ah eh..."

"diyan ba kayo sa greenbelt magdadate?"

"ah opo."

"maganda naman ba siya?"

"ah eh. gwapo po. kuya, lalake po habol ko"

"ah. ganun ba? naku! mga bata talaga ngayun. kung anu ano na pinagdidiskitahan"

end of convo.

see. its fun. LOL

mackoy said...

:herbs d.: hahaha exactly. parang sila pa ang mapapahiya kesa ikaw. hahaha