Friday, November 28, 2008

Cebu Pacific and PAL: Flights still suspended

Two major airlines in the country have cancelled their flights towards Bangkok, Thailand.

Cebu Pacific Air and Philippine Airlines have decided to cancel all inbound and outbound flights heading Bangkok after the city was reported under a state of emergency due to the ongoing widespread protest.

Commercial Planning Department of the Cebu Pacific confirmed that they are receiving reports coming from the Tourism Authority of Thailand on the development of the situation in the said capital. Their flights are suspended until morning of December 04.

Meanwhile, flight PR 732 of the Philippine Airlines that is bound to depart at 7:05 pm tomorrow has still no confirmation if it would be cancel.

PAL scheduled flights are suspended until further announcements.

P102 million at stake, still have not gotten

There is still no winner of the P102 million jackpot prize of 6/49 Super Lotto drawn last Thursday night as confirmed by the Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

The lucky six-number combination of 25-34-46-08-29-47 has a top prize of worth P102, 522,762 but no one got the chance to grab the prize.

The next draw of the Super Lotto will be on November 30, Sunday with a jackpot prize of almost P108 million.

Last Saturday, a jackpot prize of P33.8 million for the Lotto 6/42 was taken. The prize to be drawn on Nov. 29, Saturday would be P8 million.

Super Lotto 6/49 is drawn every Sunday while Mega Lotto 6/45 and Lotto 6/42 are drawn every Monday and Saturday respectively.

Thursday, November 20, 2008

gagong beer yan

Napasabak ako sa isang inuman kagabi kasama ang ilan sa mga ka-tropa ko at alam ko bawal akong magmarami ng inom. Kala ko simpleng inuman at lasingan lang, yung tipong tamang hilo lang pero may sentimiyento pala yung isa kaya nagpa-inom.

Nag-away daw sila ng girlfriend niya. Baliw ata, simpleng away lang pa-inom agad. Sabagay biyaya sa amin yun at ang biyaya hindi dapat tinatanggihan hehehe. Ilang buwan ko na rin sinusubaybayan ang love story nila simula nung magkabalikan uli sila (yeah, they parted ways before) pero hanggang ngayon parang walang improvement sa kanila.

Paano kasi si lalake dati may third party issue na kinasama ng loob nung babae. Oo tapos na tayo dun, nakaraan na y an eh at ngayong nagkabalikan uli sila mukhang palala ng palala ang bawat sitwasyon.

Mas naging mahigpit si babae, tipong walang malilihim si lalake at sa lahat ng sinasabi ni babae wala na siyang tiwala at puro na lang pagdududa ang meron siya. Natural, hindi ko siya masisisi, nasaktan na siya at niloko ng isang beses kaya ganun.

Yung isa naman trying hard na magpaka-sweet para lang siguro magmukhang ok sila sa paningin namin pero walang epek. Mukhang Malabo ng mabalik kung ano meron kayo dati.

Naisip ko tuloy ang mga sumusunod na tips sa relationship batay sa mga nasaksihan ko sa kanilang dalawa:

Una, wag araw-araw magkasama (unless mag-asawa na kayo hehehe). Naranasan ko na din kasi yan, xempre ano pang bago kung araw-araw kayong mgkasama. Aminin mo pero nawawala ang spark, hindi nagkakaroon ng chance na mamiss niyo ang isa’t isa. Anu pang dapat pagkwentuhan? Anu pa ang dapat kasabikan? Kung halos araw-araw nawiwitness niya lahat ng nangyayari sa buhay mo. Magtira ng kahit konting oras o araw na hindi kayo magkikita.

Pangalawa, wag makialam sa gamit niya. Regardless kung celfown, credit card bills, Friendster and other accounts and mail pag-aari niya pa din iyon kahit na siya ang kapareha mo. Hindi mo na sakop ang social aspect niya. Kung textmate ang worry mo, di dapat. Tandaan mo ang textmate ay hanggang dun lamang ikaw pa din ang pinili niyang makasama at ikaw pa din ang mahal niya. Hindi lang ikaw ang katext niya at hindi rin tama na ikaw lang ang maka text niya. Make room for their own social growth (pero ibang usapan na yan kung ang textmate ay may kapalit at hanggang ngayon hindi ko alam kung paano sosolusyunan yan) hmmmmmm siguro wag ka na lang maki-alam para walang away.

Pangatlo, magtira ng sikreto sa sarili mo. Hindi dapat lahat ng bagay tungkol sa’yo ay alam ng partner mo na ultimong paghinga at kung ilang beses mo ginawa ito ay alam niya. Yes honesty is the best policy pero may mga bagay talagang sadyang mga sarili mo lang ang dapat makaalam at wala ng iba. Kung ibibigay mo lahat ng detalye sa buhay mo, wala ka ng privacy tsong. Tandaan, every individual is entitled to their own privacies in life.

Pang-apat, wag makuntento sa kung saan lang kayo nasanay. Try different things. Hindi mo alam ito ang magpapadagdag ng excitement sa inyong dalawa. Hindi dapat kayo nakukuntento sa kung ano lang meron at kung ano lang ang nakasanayan niyo. Boring ang lovelife tsong kung yun at yun lang ang ginagawa ninyo, maniwala ka.hehehe

At ang pang-huli, maging praktikal. Kung tingin mo hindi na nagwowork-out ang relationship nyo well, you both have to discuss on how to put it to an end. It is better to be practical than emotional. Hindi na uso ang magpaka martir ngayon lalo kung walang wala ng natitira sa’yo.

At dahil sa napahaba-haba ang usapan namin kagabi wala akong choice kundi malasing talaga. Nag-away tuloy tayo hon. Kabilin bilinan mo pa naman wag maglalasing dahil maaga pa ang pasok kinabukasan. Febs, ahrne and sel…fuck you all. hehehe

Tuesday, November 18, 2008

Diarrhea outbreak in Misamis Oriental affected almost 1,000 residents

The Regional Health office of the Department of Health in Cagayan de Oro confirmed that there are almost 1,000 cases of vomiting and diarrhea in the town of Tagaluan, Misamis Oriental as of the latest report.

Out of 10 barangays in the said town, three of these were largely affected since the outbreak occurred Saturday night. 70% of the cases came from Barangay Sta. Cruz while Barangay Baluarte and Poblacion have 15% cases and only Barangay Rosario has no case of diarrhea. Majority of cases were 15 years old and below.

Dr. David Mendoza, epidemiologist said in a phone interview that 300- 400 cases manifest real signs and symptoms of Acute Watery Diarrhea and were brought and confined in Northern Mindanao Medical Center and other private hospitals. The remaining 600 residents were already under control after given preventive measures like prophylaxis.

As of now, Department of Health, provincial health offices and local government units tied up in promulgating preventive measures. Massive information drive for personal hygiene, chlorination of the source of water in the site and utilization of private rural health centers for maintenance administration were done to put the situation under control.

Mendoza said that they are still not aware of the main reason behind the said incident but they are looking at the contamination of waters as one of the probable cause. Local government unit officials said that the investigations are still ongoing.

Meanwhile, the rectal slabs of the patients were brought to Manila for further tests. Results will be given after 5- 7 days.

Saturday, November 8, 2008

Grad Pix for Primary

Nakakatuwa lang to think that there are some people in Downelink (website ng mga tagilid) who opt to have their graduation pix as their primary photo. nyahaha.

I’m not maligning them but guys we all know that the website has no room for dramas of having formal-wholesome looks. Well I’m not also encouraging these guys to be more daring and show some of their skin but it just don't pleases me to see graduation pictures of gays, bi’s or whatever sexual orientations and claims they have.

Kung ganun lang din naman let it be posted nalang sa friendster or facebook account ninyo rather than posting it there. dun mas ok siya sa paningin... it's a mere fact (and as what 'busted asshole' stated in one of his previous blogs) that most of us sa DL if not professional eh well-educated (two different things) so kung gusto niyo lang din naman ipamukha na nakatapos kayo.... well marami tayo sa website.

peace! =)

Tikas mo.

Walong oras na akong nakatanga mula sa kinauupuan ko. Sabado eh ano aasahan ko, wala nmang balita. Hindi ko rin naman ginusto ang maraming trabaho lalo na kung puro pressures ito. Pero sana hindi ako nagusunog ng monitor ng PC at nagbubutas ng bangko gaya ng ginagawa ko ngayon.

Naalala ko magkalkal ng celfown ko, nakita ko dun yung mga messages ng taong kilala ko pero hindi kami close. Obviously, I’m trying to make an effort para lang hindi na kami mag-isnaban whenever magkakasalubong kami. Mukhang tanga! We’re in the same community pero parang strangers sa isa’t isa.

Mga gagong kaibigan nung naikuwento ko kasi sa kanila yung drama ko, ayun binigay ang number ko sa kanya hanggang sa magka text na kami.

As far as I remember, isang buong araw lang kami magkatext yun nga lang mula umaga hanggang early in the evening.

Unang text ni mokong, wala daw siyang pang breakfast… gago! Ano ako nanay mo para hainan at pakainin ka ng almusal mo.

Pangalawang text, papasok na daw siya bullshit nga lang daw wala na daw siyang pabango… Anong pa-epek na naman yan? Sorry wala kaming factory ng pabango. Tanga ata, pwede namang pumasok ng walang pabango. Feeling naman niya, pumapasok lang siya para magpabango sa mga amoy araw na bakla at babaeng highschool students na nagkalat kung saan saan. Kapal!

Dedma ang mga hirit pero hindi ako bobo para hindi matumbok ang mga gusto niya. Kaso hindi ko na kinaya yung huling hirit niya for the day….

Pwede daw ba loadan ko siya kasi magexpire na daw unli niya! Wow, kung makahingi kala kapatid. Lakas ng loob ha, unang araw magkatext hingi agad ng load.

Fuck you dude, graduate na ako diyan. Ginagawa ko rin yan dati at nagawa na rin yan sa akin dati. Bakit hindi ka sa nanay mo humingi ng pang-load. Tingin mo sa akin, jowa mo?! Hoy, magnilay ka. Baka kelangan mo ng kumpisalan. Baka pwedeng iba na lang hingiin mo… semilya gusto mo? hehehehe

Wednesday, November 5, 2008

mistulang election

Tapos na ang US election, nanalo ang Democratic bet na si Barack Obama vs. Republican bet John McCain. Maraming kano ang umaasa na maiiba ang ihip ng hangin sa Amerika. Kung umaasa sila, paano pa ang maliliit na bansang naka depende sa bawat kilos at desisyon ng US dahil sa kinikilala silang powerful country.

Maraming nagbunyi, kung makikita mo sa ANC ang mga Kano nagdiwang na para bang drag racing ang eleksyon, party till they drop ika nga. Nagawa din kayang magparty ni Obama ngayon? Siguro naman.

Naisip ko tuloy, parang ganyan ang relationship. Minsan di mo aakalain susuong ka pala sa laban na hindi mo alam kung mananalo ka o hindi. Oo maraming susubaybay sa bawat kilos at sasabihin mo pero sa huli ikaw at ang nililigawan mo pa din ang magpapasya ng lahat. Ang mga kaibigan mo, nandiyan lang sila para makinig sa mga kuwento ng panliligaw mo gaya ng mga Kano na nakikinig lang sa mga pahayag at pangako ng 2 mokong. After few process, alam mo na kung panalo ka o hindi. Xempre ang pagkapanalo mo eh dedepende sa tao, kung gusto ka niya, kung gusto ka ng mga kaibigan niya o kung gusto ka ng magulang niya- lahat yan desisyon pa rin ng tao marami man sila o hindi.

Ngayon ano ang susunod na mga pangyayari?

Titignan mo kung hanggang saan ang matutupad mo na mga pangako. Gaya nila, hindi lahat ng pangako nila matutupad. Ilan sa mga ito mananatili na lang na salita pero ang masaya dito alam mo kung ano? Yun yung mga panahon na alam mong nahirapan kang gawin at tupdin yung nasabi mo pero nakuha mo ang appreciation niya. Sana lahat ng tao marunong maka-appreciate hindi puro reklamo.

Hon, hindi nagkaroon ng eleksyon (sa relationship) bago maging tayo pero sasabihin ko sa’yo para kang United States at ako nman ang Pilipinas. Maxadong malakas ang dating ng bawat desisyon mo sa akin. Ako naman kadalasan dumedepende sa mga ito. Sa lahat ng tampuhan at away natin, lagi kong nalalaman sa huli na ikaw ang tama at ako ang nagpapanggap na tama hehehe. Alam ko hindi ko pa natutupad lahat ng gustuhin ko pero hindi naman tayo nagmamadali di ba? Salamat kasi napanalo ko ang puso mo. Naks!

Tuesday, November 4, 2008

Opeartions halted in retrieving bodies on the ill-fated MV Princess of the Stars

Rescue and retrieval divers started the halted operation of retrieving the remaining bodies inside the ill-fated MV Princess of the Stars which capsized off Sibuyan Island in Romblon.


The Task Force Princess of the Stars headed by Undersecretary Elena Bautista conducted a mass and a flower drop ceremony in the Sibuyan Island 10am today as a signal to instigate the retrieval operation.


According to Lt. Sr. Garydale Gimotea, the Task Force is aiming to retrieve all the 605 remaining bodies before Christmas. Sulpicio Lines will provide the ferry in bringing the recovered bodies to Cebu and from there, bodies will then be identified.


As of now, there were 12 bodies recovered and the operation was temporarily stopped. MV Princess of the Stars has a total of 864 passengers wherein there were 227 recovered bodies and 32 survivors.

7 alleged members of the NPA, escaped in Quezon

Seven prisoners with the help of New People’s Army (NPA) rebels escaped a provincial jail in Lucena, Quezon Province Saturday night, officials said.

According to the reports, the incident happened at around 6:15 pm when four vans with interchanged license plates arrived. The rebels were dressed up with uniforms bearing initials of the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Special Weapons and Tactics (SWAT) unit and press. The operation lasted no more than 10 minutes.

Four firearms were taken from the jail guards including a .45 pistol, super caliber.38 pistol and a .38 revolver after being locked inside a room. The rebels then took the ride to the vans after securing the freedom of the inmates.

Initial investigations said that the primary objective of the rebels is to free their imprisoned colleagues which happened to be officials of the group.

Five of the 7 inmates were identified as Gemma Carag, Cecilia Mondia, Noel Santos, Fernando Tawagon and Arnold Valencia. Reports confirmed that they are members of the NPA Komiteng Probinsya Quezon.

According to the investigators, Carag and Santos are the alleged secretaries of the NPA-Quezon provincial unit while Mondia is said to be the organizer.

The Quezon Provincial Police is now in full alert status as ordered by Sr. Supt. Fidel Posadas. Pursuit operations are on-going in search for the fleeing rebels.

The two other inmates who were freed were Gerson Carabido and Rogelio Monteverde all facing criminal charges such as murder, frustrated murder, kidnapping and rebellion charges.

Meanwhile, Quezon Governor Rafael Nantes ordered the relief of the two jail officials and 14 other guards who were on duty when the incident occurred.

6 killed, 2 wounded in a clash on Compostela Valley

Six soldiers were killed and two were wounded in action in a clash between the military and the New People’s Army (NPA) rebels in Barangay Manurigao, New Bataan, Compostela Valley Saturday afternoon.

According to the initial investigation of the Quezon Provincial Police, it was around 1pm when the Army conducted immersion in the said barangay when they encountered the NPA rebels that led them to a conflict.

Soldiers who were killed by the rebels were identified as 2nd Lt. Domingo, Corp. Maglantay, PFC Sino, PFC Membrillo, PFC Narvaland PFC Mohamador. The two wounded soldiers were identified as PFC EspaƱola and Private Pabay and were brought to the nearest hospital at the Davao City.

Meanwhile, PO3 Arnel Falicilda of the Compostela Valley Police Office said in a phone interview that casualties of the rebels are still left undetermined but bloodstains from the rebels’ spot were noticed in the crime scene.

The Quezon Provincial Police Office orders a full alert status while follow-up investigations and pursuit operations are still on-going.

As of the moment, there are no civilian casualties with the said encounter.

Gaano kahirap kilalanin ang isang tunay at matipunong lalake?

Malaki katawan pero fit ang pants

Malaki ang boses pero may kulot sa dulo

Matikas pero may 10 kilong foundation sa mukha

Malakas tumawa pero nakatakip ang bunganga

Diretso lumakad pero may kembot ang bewang

Naka shades pero ang tingin sa nota

Astig magyosi pero pilantik ang kamay sa paghawak nito

Straight body pag umupo yun nga lang nakadekuwatro

Guwapo nga makati pa sa higad

Matapang kunwari pero iyakin pag may problema (lalo kapag tungkol sa jowa)

Maxado na nga sigurong obvious ang mga nagkalat ngayon. Tama nga siguro sa perception yung nanay ko nung minsang magkasama kami at nakakita ng lalakeng kadudad duda, lalake ba talaga yan o bakla? di niya alam yung katabi niya pwede ng sagutin tanong niya. hehehe

Monday, November 3, 2008

stretch marks

Issue: Lumabas yung sex video ni Criselda Volks. Hayop yung video, para siyang sabog. She’s claiming boyfriend niya yung kasex niya. O well, the guy seems to be at his late 40’s stage. Di ko kinukwestiyon yung age gap, ang tanong: kung bf niya yun bakit walang passion ang sex nila, bakit parang sabog ata siya at bakit pumayag siya na magpatira sa puwet. Hehehe Grabe, dami niya palang stretch marks, opkors nanganak siya at ang kabibe niya, nakow ang panget ng itsura bwahahaha.

Kagabi nag-usap tayo hon, napagkuwentuhan natin yan Sinabi mo paano kung magka- stretch marks ka din after mo manganak, mamahalin pa ba kita? Natawa na lang ako. Sumang-ayon ako pero hon, ang iniisip natin parehas ay parang isang usok na kapag ibinuga mo sa hangin ay magtatagal ng kalahating minuto- imposible.

Sana nga lahat ng tao babae man o lalake, bata man o matanda may ovary para lahat pwedeng magbuntis. Tiyak magdidiwang ang mga bakla at mga bisexual kung magkatotoo yan pero gudlak sa mga straight, baka buong buhay nila umiiyak sila. heheheh

Alam mo na gusto kong makita kung anong ganda o panget ng genes meron ako. Nagsenti tayo tungkol dito diba? Oo, naisip ko umupa ng babaeng puta at parehas nating bubuntisin, mag jack en poy na lang tayo at kung ako ang manalo ako ang unang gagalaw tapos after a year (kasama na pagpapahilum ng tahi nung puta) kaw naman ang bubuntis pero ayaw mo nun diba?

Sabagay, bakit pa natin gagawin yun kung sa isa’t isa palang masaya na tayo. Siguro nga tama ka, na hindi na natin kailangan pang mag adopt ng bata kung mabibigyan mo naman ako ng saya na higit pa sa nararamdaman natin kapag nagkakaplugan tayo.

Yung stretch marks, wag mong isipin yun. In the first place, hindi yun ang naging basehan ko kung bakit naging tayo. Meron man yan o wala, mananatili akong nakasuporta sa lahat ng gagawin mo. =)

Saturday, November 1, 2008

Halle Berry.

disclaimer: Halitosis, oral malodor, breath odor, foul breath, fetor oris, fetor ex ore, or most commonly bad breath are terms used to describe noticeably unpleasant odors exhaled in breathing – whether the smell is from an oral source or not. Halitosis has a significant impact — personally and socially — on those who suffer from it or believe they do (halitophobia), and is estimated to be the 3rd most frequent reason for seeking dental aid, following tooth decay and periodontal disease.


Anim na buwan na simula ng matanggap ako sa trabaho na ito. At sa una pa lang alam ko na mag-iiba ang maraming aspeto sa buhay ko – kokonti ang tulog ko, wala ng masyadong gala, walang katapusang pressure at stress at mapipilitan kang pumasok ng 6 days a week para lang kumita kahit na tamad na tamad ka na though makakakilala ka ng ibang tao na maaaring maging kaibigan, makakabili ako ng gusto ko (kung tutuusin) at may mailalagay na ako sa ‘working experience’ ko sakaling maisipan ko na lisanin ang kompanyang walang ibang turing sa mga Pilipinong empleyado kundi alipin.


Pero mas nag-iba ang attitude ko towards work ng makilala ko si Halle Berry…


Si Halle?


Associate Editor. Superior ko. Intsik. Businessman din Manipis ang buhok. Makapal ang lente ng salamin. Dadating sa office 4pm kahit na 1pm ang pasok. Mahilig sa kape. Kuripot. Baduts pumorma. Mautos. Natutulog sa trabaho. Mahilig mag-chess online. Telebabad. Suplado. Moody. Ingittero. Tamad. Matakaw. May billion dollar savings. Malakas dumighay- at ito ang dahilan kung bakit binansagan ko siyang Halle Berry.


No doubt! Pag dumighay siya, malalaman mo kung ano ang kinain niya for lunch. Sabihin mo ng ‘mean’ ako pero naaapektuhan niya ako ng malaki. Since siya ang in-charge sa dummy, madalas siyang lumapit sa desk ko to check kung parehas ang ibinigay niyang dummy sa initial lay-out ko at pag lumapit na siya eh inihihilig ko ang aking ulo ng at least 90 degrees away from his face para lang hindi ko maamoy ang hindi dapat maamoy. Mind you, consistent siya sa kanyang ‘hidden whiff’


Dahil dito…


Nawawala ang efficiency ng work dahil nagiging sagabal sa pagtatrabaho ng mabilis ang kanyang oral defect, Nawawalan ako ng ganang kumain, Lagi akong nabubuwisit sa kanya, at mas nanaisin mo na hindi na lang siya pumasok para sumaya naman ang araw ko sa office.


Pero si Halle?


Maalalahanin! Hindi ka niya iiwan hanggang sa maging ok ka sa sitwasyon. At sure ako dun! ( yun siguro ang maaaring ikatuwa ko sa lahat ng nasabi ko about him)


Ikaw, nakita mo na ba si Halle?

ang sonata ni si ako

Kailan lang, nagkasagutan kami ng mga magulang ko. Sila laban sa akin at ako laban sa kanila. Kung tutuusin malayo ang ending ng bangayan namin sa kung san talaga nag-ugat ang lahat.

Usapang pera dre’ – mahirap i-esplika, mahirap i-depensa. Pero naulol ako ng nagmistulang bituka ng manok ang pinatunguhan ng argumentasyon naming tatlo. Hayop sa mura at banat ang tatay ko, hindi niya alam mura din katapat niya sa imahinasyon ko. Ang daming napasok, kesyo bakit pa kasi masscom yung natapos kung kurso at ngayon hindi ako tumatabo ng malaki sa pinili kong propesyon, bakit daw ako laging ginagabi ng uwi at marami pang iba. Naisip ko lang, ako ba ang wala sa sarili, sila o sadyang tumatanda lang sila.

Hanggang sa napasok ang usapang ito:
Kalbo: Magtapat ka nga, ano ka ba talaga?
Si ako: Wala akong ipagtatapat. Ano bang gusto niyong malaman? (paangil)
Kalbo: Sabihin mo lang para hindi na kami mabigla.
Si ako: Wala akong sasabihin tapos!

Hanep, ganun na ba sila ka-updated sa buhay at mga kagaguhan ko sa buhay para bigla na lang maisingit ang tanung na yun na malayong malayo sa usapang pera.

Sa mga panahon na yun, nagpupumilit ang dila ko na sabihin kung ano talaga ang katotohanan. Pero paano at saan ko uumpisahan? Na sa mga susunod na panahon lalake din ang ipakikilala kong magiging kasama ko sa buhay, na wala akong planong magpamilya ngayon pa na kuntento at masaya na ako sa kanya , na hindi ko sila mabibigyan ng apo kung saka sakali dahil wala namang obaryo ang asawa ko.

Oo alam ko dadating at dadating din ang panahon na kelangan ko sabihin yun pero not now. Gusto ko well-established na ako yun bang marami ng naitulong sa kanila at wala ng mairereklamo pa sa dami nito. Yun bang kahit anung hingin nila maibibigay ko. Yun bang nakita na nilang natupad ko kung hindi man lahat ng mga pangarap nila sa akin eh ilan naman sa mga ito.

Alam ko magiging mahirap ang pagtanggap ninyo pero walang magulang na gustong makitang nahihirapan at hindi masaya ang kanyang anak. Minsan naisip ko kasalanan ‘to ng tatay kong kalbo kasi mula ng maliit pa ako wala na siyang ginawa kundi saktan at maliitin ako, ito tuloy napala ko sa ibang lalake humanap ng mga pagkukulang niya.

Pinangarap ko din magkapamilya.Noon.

Masaya na ako sa kung ano at kung sino ang kasama ko. Sa ngayon.

Maaari ba pag dumating yung panahon na un, intindihin at matuwa na lang kayo para sa akin? Dahil atlis hindi sa puta napunta ang anak ninyo- un nga lang sa lalake hehehe.