disclaimer: Halitosis, oral malodor, breath odor, foul breath, fetor oris, fetor ex ore, or most commonly bad breath are terms used to describe noticeably unpleasant odors exhaled in breathing – whether the smell is from an oral source or not. Halitosis has a significant impact — personally and socially — on those who suffer from it or believe they do (halitophobia), and is estimated to be the 3rd most frequent reason for seeking dental aid, following tooth decay and periodontal disease.
Anim na buwan na simula ng matanggap ako sa trabaho na ito. At sa una pa lang alam ko na mag-iiba ang maraming aspeto sa buhay ko – kokonti ang tulog ko, wala ng masyadong gala, walang katapusang pressure at stress at mapipilitan kang pumasok ng 6 days a week para lang kumita kahit na tamad na tamad ka na though makakakilala ka ng ibang tao na maaaring maging kaibigan, makakabili ako ng gusto ko (kung tutuusin) at may mailalagay na ako sa ‘working experience’ ko sakaling maisipan ko na lisanin ang kompanyang walang ibang turing sa mga Pilipinong empleyado kundi alipin.
Pero mas nag-iba ang attitude ko towards work ng makilala ko si Halle Berry…
Si Halle?
Associate Editor. Superior ko. Intsik. Businessman din Manipis ang buhok. Makapal ang lente ng salamin. Dadating sa office 4pm kahit na 1pm ang pasok. Mahilig sa kape. Kuripot. Baduts pumorma. Mautos. Natutulog sa trabaho. Mahilig mag-chess online. Telebabad. Suplado. Moody. Ingittero. Tamad. Matakaw. May billion dollar savings. Malakas dumighay- at ito ang dahilan kung bakit binansagan ko siyang Halle Berry.
No doubt! Pag dumighay siya, malalaman mo kung ano ang kinain niya for lunch. Sabihin mo ng ‘mean’ ako pero naaapektuhan niya ako ng malaki. Since siya ang in-charge sa dummy, madalas siyang lumapit sa desk ko to check kung parehas ang ibinigay niyang dummy sa initial lay-out ko at pag lumapit na siya eh inihihilig ko ang aking ulo ng at least 90 degrees away from his face para lang hindi ko maamoy ang hindi dapat maamoy. Mind you, consistent siya sa kanyang ‘hidden whiff’
Dahil dito…
Nawawala ang efficiency ng work dahil nagiging sagabal sa pagtatrabaho ng mabilis ang kanyang oral defect, Nawawalan ako ng ganang kumain, Lagi akong nabubuwisit sa kanya, at mas nanaisin mo na hindi na lang siya pumasok para sumaya naman ang araw ko sa office.
Pero si Halle?
Maalalahanin! Hindi ka niya iiwan hanggang sa maging ok ka sa sitwasyon. At sure ako dun! ( yun siguro ang maaaring ikatuwa ko sa lahat ng nasabi ko about him)
Ikaw, nakita mo na ba si Halle?
No comments:
Post a Comment