Tapos na ang US election, nanalo ang Democratic bet na si Barack Obama vs. Republican bet John McCain. Maraming kano ang umaasa na maiiba ang ihip ng hangin sa Amerika. Kung umaasa sila, paano pa ang maliliit na bansang naka depende sa bawat kilos at desisyon ng US dahil sa kinikilala silang powerful country.
Maraming nagbunyi, kung makikita mo sa ANC ang mga Kano nagdiwang na para bang drag racing ang eleksyon, party till they drop ika nga. Nagawa din kayang magparty ni Obama ngayon? Siguro naman.
Naisip ko tuloy, parang ganyan ang relationship. Minsan di mo aakalain susuong ka pala sa laban na hindi mo alam kung mananalo ka o hindi. Oo maraming susubaybay sa bawat kilos at sasabihin mo pero sa huli ikaw at ang nililigawan mo pa din ang magpapasya ng lahat. Ang mga kaibigan mo, nandiyan lang sila para makinig sa mga kuwento ng panliligaw mo gaya ng mga Kano na nakikinig lang sa mga pahayag at pangako ng 2 mokong. After few process, alam mo na kung panalo ka o hindi. Xempre ang pagkapanalo mo eh dedepende sa tao, kung gusto ka niya, kung gusto ka ng mga kaibigan niya o kung gusto ka ng magulang niya- lahat yan desisyon pa rin ng tao marami man sila o hindi.
Ngayon ano ang susunod na mga pangyayari?
Titignan mo kung hanggang saan ang matutupad mo na mga pangako. Gaya nila, hindi lahat ng pangako nila matutupad. Ilan sa mga ito mananatili na lang na salita pero ang masaya dito alam mo kung ano? Yun yung mga panahon na alam mong nahirapan kang gawin at tupdin yung nasabi mo pero nakuha mo ang appreciation niya. Sana lahat ng tao marunong maka-appreciate hindi puro reklamo.
Hon, hindi nagkaroon ng eleksyon (sa relationship) bago maging tayo pero sasabihin ko sa’yo para kang United States at ako nman ang Pilipinas. Maxadong malakas ang dating ng bawat desisyon mo sa akin. Ako naman kadalasan dumedepende sa mga ito. Sa lahat ng tampuhan at away natin, lagi kong nalalaman sa huli na ikaw ang tama at ako ang nagpapanggap na tama hehehe. Alam ko hindi ko pa natutupad lahat ng gustuhin ko pero hindi naman tayo nagmamadali di ba? Salamat kasi napanalo ko ang puso mo. Naks!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment