Saturday, November 1, 2008

ang sonata ni si ako

Kailan lang, nagkasagutan kami ng mga magulang ko. Sila laban sa akin at ako laban sa kanila. Kung tutuusin malayo ang ending ng bangayan namin sa kung san talaga nag-ugat ang lahat.

Usapang pera dre’ – mahirap i-esplika, mahirap i-depensa. Pero naulol ako ng nagmistulang bituka ng manok ang pinatunguhan ng argumentasyon naming tatlo. Hayop sa mura at banat ang tatay ko, hindi niya alam mura din katapat niya sa imahinasyon ko. Ang daming napasok, kesyo bakit pa kasi masscom yung natapos kung kurso at ngayon hindi ako tumatabo ng malaki sa pinili kong propesyon, bakit daw ako laging ginagabi ng uwi at marami pang iba. Naisip ko lang, ako ba ang wala sa sarili, sila o sadyang tumatanda lang sila.

Hanggang sa napasok ang usapang ito:
Kalbo: Magtapat ka nga, ano ka ba talaga?
Si ako: Wala akong ipagtatapat. Ano bang gusto niyong malaman? (paangil)
Kalbo: Sabihin mo lang para hindi na kami mabigla.
Si ako: Wala akong sasabihin tapos!

Hanep, ganun na ba sila ka-updated sa buhay at mga kagaguhan ko sa buhay para bigla na lang maisingit ang tanung na yun na malayong malayo sa usapang pera.

Sa mga panahon na yun, nagpupumilit ang dila ko na sabihin kung ano talaga ang katotohanan. Pero paano at saan ko uumpisahan? Na sa mga susunod na panahon lalake din ang ipakikilala kong magiging kasama ko sa buhay, na wala akong planong magpamilya ngayon pa na kuntento at masaya na ako sa kanya , na hindi ko sila mabibigyan ng apo kung saka sakali dahil wala namang obaryo ang asawa ko.

Oo alam ko dadating at dadating din ang panahon na kelangan ko sabihin yun pero not now. Gusto ko well-established na ako yun bang marami ng naitulong sa kanila at wala ng mairereklamo pa sa dami nito. Yun bang kahit anung hingin nila maibibigay ko. Yun bang nakita na nilang natupad ko kung hindi man lahat ng mga pangarap nila sa akin eh ilan naman sa mga ito.

Alam ko magiging mahirap ang pagtanggap ninyo pero walang magulang na gustong makitang nahihirapan at hindi masaya ang kanyang anak. Minsan naisip ko kasalanan ‘to ng tatay kong kalbo kasi mula ng maliit pa ako wala na siyang ginawa kundi saktan at maliitin ako, ito tuloy napala ko sa ibang lalake humanap ng mga pagkukulang niya.

Pinangarap ko din magkapamilya.Noon.

Masaya na ako sa kung ano at kung sino ang kasama ko. Sa ngayon.

Maaari ba pag dumating yung panahon na un, intindihin at matuwa na lang kayo para sa akin? Dahil atlis hindi sa puta napunta ang anak ninyo- un nga lang sa lalake hehehe.

No comments: