Walong oras na akong nakatanga mula sa kinauupuan ko. Sabado eh ano aasahan ko, wala nmang balita. Hindi ko rin naman ginusto ang maraming trabaho lalo na kung puro pressures ito. Pero sana hindi ako nagusunog ng monitor ng PC at nagbubutas ng bangko gaya ng ginagawa ko ngayon.
Naalala ko magkalkal ng celfown ko, nakita ko dun yung mga messages ng taong kilala ko pero hindi kami close. Obviously, I’m trying to make an effort para lang hindi na kami mag-isnaban whenever magkakasalubong kami. Mukhang tanga! We’re in the same community pero parang strangers sa isa’t isa.
Mga gagong kaibigan nung naikuwento ko kasi sa kanila yung drama ko, ayun binigay ang number ko sa kanya hanggang sa magka text na kami.
As far as I remember, isang buong araw lang kami magkatext yun nga lang mula umaga hanggang early in the evening.
Unang text ni mokong, wala daw siyang pang breakfast… gago! Ano ako nanay mo para hainan at pakainin ka ng almusal mo.
Pangalawang text, papasok na daw siya bullshit nga lang daw wala na daw siyang pabango… Anong pa-epek na naman yan? Sorry wala kaming factory ng pabango. Tanga ata, pwede namang pumasok ng walang pabango. Feeling naman niya, pumapasok lang siya para magpabango sa mga amoy araw na bakla at babaeng highschool students na nagkalat kung saan saan. Kapal!
Dedma ang mga hirit pero hindi ako bobo para hindi matumbok ang mga gusto niya. Kaso hindi ko na kinaya yung huling hirit niya for the day….
Pwede daw ba loadan ko siya kasi magexpire na daw unli niya! Wow, kung makahingi kala kapatid. Lakas ng loob ha, unang araw magkatext hingi agad ng load.
Fuck you dude, graduate na ako diyan. Ginagawa ko rin yan dati at nagawa na rin yan sa akin dati. Bakit hindi ka sa nanay mo humingi ng pang-load. Tingin mo sa akin, jowa mo?! Hoy, magnilay ka. Baka kelangan mo ng kumpisalan. Baka pwedeng iba na lang hingiin mo… semilya gusto mo? hehehehe
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment