Napasabak ako sa isang inuman kagabi kasama ang ilan sa mga ka-tropa ko at alam ko bawal akong magmarami ng inom. Kala ko simpleng inuman at lasingan lang, yung tipong tamang hilo lang pero may sentimiyento pala yung isa kaya nagpa-inom.
Nag-away daw sila ng girlfriend niya. Baliw ata, simpleng away lang pa-inom agad. Sabagay biyaya sa amin yun at ang biyaya hindi dapat tinatanggihan hehehe. Ilang buwan ko na rin sinusubaybayan ang love story nila simula nung magkabalikan uli sila (yeah, they parted ways before) pero hanggang ngayon parang walang improvement sa kanila.
Paano kasi si lalake dati may third party issue na kinasama ng loob nung babae. Oo tapos na tayo dun, nakaraan na y an eh at ngayong nagkabalikan uli sila mukhang palala ng palala ang bawat sitwasyon.
Mas naging mahigpit si babae, tipong walang malilihim si lalake at sa lahat ng sinasabi ni babae wala na siyang tiwala at puro na lang pagdududa ang meron siya. Natural, hindi ko siya masisisi, nasaktan na siya at niloko ng isang beses kaya ganun.
Yung isa naman trying hard na magpaka-sweet para lang siguro magmukhang ok sila sa paningin namin pero walang epek. Mukhang Malabo ng mabalik kung ano meron kayo dati.
Naisip ko tuloy ang mga sumusunod na tips sa relationship batay sa mga nasaksihan ko sa kanilang dalawa:
Una, wag araw-araw magkasama (unless mag-asawa na kayo hehehe). Naranasan ko na din kasi yan, xempre ano pang bago kung araw-araw kayong mgkasama. Aminin mo pero nawawala ang spark, hindi nagkakaroon ng chance na mamiss niyo ang isa’t isa. Anu pang dapat pagkwentuhan? Anu pa ang dapat kasabikan? Kung halos araw-araw nawiwitness niya lahat ng nangyayari sa buhay mo. Magtira ng kahit konting oras o araw na hindi kayo magkikita.
Pangalawa, wag makialam sa gamit niya. Regardless kung celfown, credit card bills, Friendster and other accounts and mail pag-aari niya pa din iyon kahit na siya ang kapareha mo. Hindi mo na sakop ang social aspect niya. Kung textmate ang worry mo, di dapat. Tandaan mo ang textmate ay hanggang dun lamang ikaw pa din ang pinili niyang makasama at ikaw pa din ang mahal niya. Hindi lang ikaw ang katext niya at hindi rin tama na ikaw lang ang maka text niya. Make room for their own social growth (pero ibang usapan na yan kung ang textmate ay may kapalit at hanggang ngayon hindi ko alam kung paano sosolusyunan yan) hmmmmmm siguro wag ka na lang maki-alam para walang away.
Pangatlo, magtira ng sikreto sa sarili mo. Hindi dapat lahat ng bagay tungkol sa’yo ay alam ng partner mo na ultimong paghinga at kung ilang beses mo ginawa ito ay alam niya. Yes honesty is the best policy pero may mga bagay talagang sadyang mga sarili mo lang ang dapat makaalam at wala ng iba. Kung ibibigay mo lahat ng detalye sa buhay mo, wala ka ng privacy tsong. Tandaan, every individual is entitled to their own privacies in life.
Pang-apat, wag makuntento sa kung saan lang kayo nasanay. Try different things. Hindi mo alam ito ang magpapadagdag ng excitement sa inyong dalawa. Hindi dapat kayo nakukuntento sa kung ano lang meron at kung ano lang ang nakasanayan niyo. Boring ang lovelife tsong kung yun at yun lang ang ginagawa ninyo, maniwala ka.hehehe
At ang pang-huli, maging praktikal. Kung tingin mo hindi na nagwowork-out ang relationship nyo well, you both have to discuss on how to put it to an end. It is better to be practical than emotional. Hindi na uso ang magpaka martir ngayon lalo kung walang wala ng natitira sa’yo.
At dahil sa napahaba-haba ang usapan namin kagabi wala akong choice kundi malasing talaga. Nag-away tuloy tayo hon. Kabilin bilinan mo pa naman wag maglalasing dahil maaga pa ang pasok kinabukasan. Febs, ahrne and sel…fuck you all. hehehe
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment