Wednesday, March 25, 2009

Liham para kay Ka Freddie

Bilang na ang mga araw ko sa kompanyang unang nagturo sa akin kung paano maging madiskarte. Di ko maikakaila na tuluyan nang nagsisimulang manuot sa aking isip na sa paglisan ko, maraming bagay din akong pilit na lilingunin.

Pero sa kabila ng nalalabing araw ko dito, hindi ko mawari kung bakit ako nagsasakripisyo ng malaki. Hindi na dapat ganito ang nararamdaman ko ngayon, dapat nga sana “take your time na lang ako” o kung hindi man eh “chillax” nalang ako. Kaso hindi ganun, napalitan yan ng inis, tampo at pagtataka na sa kabila ng mga pangyayaring ito heto ako’t nanatiling walang bayag at tikom- sobra sobrang pagtitiyaga at pagtitiis kahit sa mga huling araw. Haist!

Para sa’yo ka Freddie:

Mukhang pinagplanuhan mo ito, hindi naging maganda ang rehistro ng pagkatao mo sa kin. Mukha ring marami ka pang dapat pagpahalagahan. Ang trabaho ay hindi katulad ng isang klase na kapag boring ka na ay lilisanin mo para mag-cut o aabsenan mo.

Pumapasok ngayon dito ang usapang responsibilidad at pagiging prospeyonal. Ang isang tao na alam ang totoong kahulugan ng salitang responsibility at professionalism ay hindi tatakbuhan ang lahat ng mga naging problema. Pilit ko na pinapaalala sayo na may responsibilidad ka at sinabi mo na alam mo ang mga iyon pero heto ka’t naging karas-karas sa desisyon mo.

Kung anuman ang rason mo na tanging ikaw at ikaw lang ang nakakaalam, mabuti pang itago mo na lang yan… yan ang naging mitsa ng “inis” at “suya” ko sa’yo
Salamat kasi hindi man ang kompanya, pero ikaw ang sumulit sa natitirang 10 araw ko dito.
Gamit na gamit ang powers ko at drained na ang lahat ng ito.

Goodluck sa’yo.


Ngayon atat ako na makaalis na dito pero magmimistulang mantsa na mananatili sa aking damit ang lahat ng mga pangyayaring nagdaan sa mga nakalipas na araw.

Lilipad ako ng buong tulin patungo sa bago kong pugad.

Thursday, March 12, 2009

unfaithful ang mga babae

Scenario: Kaninang madaling araw.

Pumara ng taxi para maihatid ako pauwi. Sakto “damatans” ang drayber, mas mabuti ng piliin ang mga matatandang driver... hindi marunong manggulang at maingat sa pagmamaneho. Ayos si manong, chikador. Tamang-tama lang para hindi ko makatulugan ang biyahe…

Naunang pagusapan ang pulitika, kahit na dumudugo na ang tenga ko tungkol diyan (dahil sa araw-araw na ginawa ko parte yan ng trabaho ko) nagrereact pa din ako sa mga sinasabi niya. Masabi lang na nakikinig ako hehehehe.

Naawa din ako kay manong nung sabihin niya na minalas siya nung oras na yun dahil nakotongan pa siya. Yung kinita niyang P340 sa tatlong biyahe ay nalimas lahat ng mga taranggagong pulis na walang ginawa kundi manlamang ng mga tao. Masakit pa nito, mahihirap na tao ang mas madalas na nalalamangan.

Pero natawa na lang ako sa mga susunod na pag-uusap:

Manong: Sa call center ka din brod?

Mokong: Ay hindi ho.

Manong: Ano trabaho mo?

Mokong: Diyan lang, sa dyaryo.

Manong: Ahh…. Pero siguro naman single ka pa?

Mokong: Oo naman ho.

Manong: Naku brod, huwag ka muna mag-aasawa ha. Sa totoo lang, mahirap makahanap ng tunay na babae ngayon, karamihan ng mga babae manloloko… kaya ok yan na single ka pa.

Mokong: (Tigalgal)

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ba niya alam na hindi babae ang hanap ko, na sa pulutong ng mga tao na makikita ko sa daan wala akong pakialam sa magagandang mukha at seksing katawan ng babae na nadadaanan at nakakasalubong ko. Hehehe Kapwa ko ang tanging makakapuno ng mga pantasya sa isip ko, ang makakapagpataas ng libido sa katawan ko at ang makakapagpaiyak sa mutaing mata ko.

Gusto ko sana siyang salungatin, na ang lalaki ang mas maloko. Lalo sa ganitong uri ng relasyon, walang kasiguraduhan… pag nangati ka, nagalit, nabuwisit, nawalan ng communication ang partner mo, nagsawa, napagod, nasakal lahat yan makakagawa ka ng panloloko. Minsan nga mas bumibilib pa ako sa mga babae dahil kaya nilang maging loyal up to their very last breath kahit sa kabila ng mga kagaguhan ng mga lalaki. Hehehe.

Pero nasa tao naman kasi talaga ang isyu na yan. Kung wala kang kontrol at hindi mo alam ang halaga ng word na “commitment”, talbos ka kahit opposite o same sex pa yang partner mo!

Wednesday, March 11, 2009

NFBM-Net launched vs revival of BNPP

Veterans and Government officials gathered in Provincial Capitol in Pampanga for the launching of Nuclear-Free Bataan Movement Network (NFBM-Net) against the revival of the Bataan Nuclear Power Plant, Thursday afternoon.

The forum spearheaded by Nuclear-Free Bataan Movement militant group was also attended by individuals, academe, religious sectors and organizations that strongly signify their opposition against Bataan Nuclear Power Plant. NFBM-Net is not only localized in Bataan but in the entire Region III as the immediate affected area once the power plant re-opens.

Pampanga Gov. Ed Panlilio and San Fernando City Mayor Oca Rodriguez were the key speakers in the said forum along with Monsignor Tony Dumaoal, Chairman of NFBM- Central Luzon Chapter. All of them committed for the continuous building of networks in provinces of Pampanga and Zambales.

Nuclear-Free Bataan Movement Secretary General Francisco Honra said in a phone interview that the launching of the network aims to strengthen the information dissemination campaign against the risks of re-opening the BNPP in health and economic aspects primarily.

Honra also added that hopefully through the network, they may be able to push through in lobbying the congressmen as 184 of them are in favor for the revival of the plant.

BNPP is subject for further study to confirm how defective the facility is but Department of Energy and National Power Corporation (NAPOCOR) are both willing to operate the plant.