Monday, January 19, 2009

letter of sentiments

I don’t know how to react pero I must admit hindi ako sanay na makita ka best na umiiyak dahil lang sa isang lalake na walang kasiguraduhan.

Nagkwento ka kung bakit at paano nabuo yang nararamdaman mo towards him, hindi ko inaakala na ganun na kalalim yang tinatago mo. Inisip ko baka naman nadadala ka lang ng mga maimpluwensyang bagay a paligid mo pero hindi eh. Bakit ka umiiyak dahil sa kanya? Bakit ka nmumula kapag nandyan siya? Bakit ka kinikilig kapag nahahaplos ka niya? Bakit ka nalulungkot kapag wala siya?

Hindi ito puppy love para sa mga katulad mo best na kailan lang nakilala ang sarili. Alam ko matindi ang kagustuhan mo sa kanya…

Tapos nagtext ka sa akin:

Ganun na lang bay un? Wala na bang karapatan kami para magmahal… Balewala na lang bas a inyo ang nararamdaman naming? O sadyang wala kaming kwentang nilalang sa mundo? Sana hindi ako tama mac.- ash

Kahit kelan hindi nila maiintindihan ang sentimyento ng mga gaya natin. Hindi nila maiintindihan na pwede din tayo magmahal at mahalin.

Kaya nagreply ako sa’yo:

Hindi lahat ng tao nabibigyan ng pagkakataon na magmahal at hindi din lahat ng tao nabibigyan ng pagkakataon na mahalin. Kaya kayo na minamahal, matuto kayong pahalagahan ito. At tayo namang nagmamahal, matuto tayong limitahan ito. I know maco-conquer mo yan ash. – mac

Sana best naging malinaw say o kung anu gusto kong sabhin. Ito ka na naman, nauulit na naman ang mga pangyayari. Kaya bago ka pa lamunin uli ng hiya mo at bago ka pa makulong diyan sa nararamdaman mo, mag-isip ka na kung may patutunguhan nga ba yang laban mo.

Mag-iingat ka parati. Andito lang kami ni esel.

No comments: