Friday, October 31, 2008

and then I realized...

June 2004. Nagsimula na akong i-explore ang mundo ko na dati akala ko ay maliit. Marami na ding impluwensya mula sa mga kaibigan at kaklase palibhasa kasi freshman na kaya medyo may tapang na para mag-try.

Minsan naaalala ko pa din yung ex-girlfriend ko pero hindi na tungkol sa pagpapantasya sa mga bagay na pwede naming gawin kundi sa kung anong buhay meron siya sa pinalit niyang lalake sa akin.

Sa kabilang banda, nagtataka ako sa sarili ko kung bakit may mga kaibigan akong bakla at tomboy at bakit naiintindihan ko ang ilan sa mga salita nila na parang puro “chos at lush” ang huli. Pero alam ko sa sarili ko nun lalake ako, na kaibigan ko lang sila at hindi nila pwedeng impluwensiyahan ang lifestyle ko.

At dun ako nagkamali, dahil ilang buwan lang din halos sabay na ako sa uri ng lifestyle meron sila. Hanggang sa dumating yung panahon na nakikipachat ako sa kapwa lalaki para lang makakuha ng makakarelasyon. Hehe ibang klase din, tingin ko nun sa lahat ng bagay instant na pag nag PM ako sa kanya ng “hi can I get your number, sort of interested” at may =) sa huli eh magrereply siya agad at walang kagatol gatol na ibibigay ang kanyang contact. Text text, chat chat, call call- halos nagging daily routine ko na yan. Kung minsan nga naiisip ko kung may sariling buhay lang ang mga daliri ko siguro sinabi na niya na “hoy putang ina mo pudpod na ako” hehehe

Marami sa kanila na nakilala ko mga nagtatrabaho na. Sa unang pagkikita, check in agad. Nasubukan ko ng pilitin na gawin ang ayaw ko at nauwi kami sa pagbibihis at diretsong pag-uwi. Naranasan ko na din na gumawa ng katakot takot na alibi sa mga magulang ko para lang mapagbigyan yung kalibugan ko hehehe. At naranasan ko na din na mahold-up dahil sa pag-uwi ng alanganing oras dahil sa lintik na sex na yan hehehe.

Marami pang bagay ang nangyari at naranasan pero ni minsan hindi pa din tumatatak sa isip ko na kabilang ako sa mga kaibigan ko na noon eh kinukutya kutya ko din. Ni hindi nga sumagi sa isip ko na gagawin ko ang mga bagay na nagdulot sa akin ng mataas na curiosity level sa paraang ako at tanging ako lang ang nakakaalam. Basta ang alam ko nun eh sinusubukan ko lang lahat ng tingin ko ay interesanteng gawin- walang doubts, walang hold backs at walang takot. Basta ang aim, kung may mga tanong man ako sa ilang mga bagay hindi ko na kailangan pang humanap ng kasagutan sa iba dahil ako mismo ang makakapagpatunay nun. Ginusto ko din kayang maging adviser- mapa lovelife, spiritual wag lang political at pinansyal dahil parehas tayong kapos ng kaalaman diyan.

Oo, nagbibingibingihan ako kunwari pag puro usapang hada na ang pinag-uusapan pero sa loob loob ko interesado ako. Oo, pikit-mata ako kuno pag nakakakita ako ng apat na itlog na naguumpugan sa pagitan ng dalawang poste na di parehas ang haba pero ako mismo gusto maranasan yun. At saka lang pumasok sa isip ko na itanggi man natin sa mga sarili natin kung ano at sino talaga ang gusto natin, hindi mo makokontrol ang totoong hinahangad ng isip at hinahanap ng libido mo.

Oo nga pala, naalala ko yung ipinalit ng ex ko sa akin. Ayon sa sources, ngayon ladlad na, at cross dresser pa. Tulad niya pinandigan niya ang tunay na hinahangad ng isip at hinahanap ng libido niya. hehehe

No comments: