Friday, October 31, 2008

This is where it all started.

October 2002. 2nd year hayskul ako nun nang una akong magka girlfriend. Sabi ko sa sarili ko nun “ayos, may chikabebe na ako!”. Kahit na alam ko na xa yung tipo ng babae na di makabasag pinggan- sobrang conservative pa ayos lang, ang importante kasi sa akin nun atlis hindi ako mapagkamalang tagilid dahil may chick on the side nga ako.

Kaklase ko siya, morena, matalino, mabait at malumanay magsalita… Kumbaga 100% perfect katangian ng pinay- yun nga lang sinaunang panahon pa at di ko alam kung hanggang ngayon may ganito pa hehehe. Tinangka ko siyang halikan, umayaw at katakot takot na mga salita na ang aking narinig. Simula noon hindi na ako nagtangkang mag-open up pa ng kung anung bagay na may kinalaman sa pagpapataas ng libido-in short sa kalibugan.

Tumagal kami ng 1 taon at 6 na buwan at sa pagitan ng mga buwan na yun, hawak kamay at halik sa pisngi lang ang matagumpay kong nagawa. Ngayon, hindi ko alam kung talaga nga bang tagumpay pang matatawag yun kung alam ko sa sarili ko na I’m looking for wet and wild experience. Unfortunately, ang kawawang Mackoy nakuntento sa ganung sistema- hawak kamay at halik sa pisngi pag uwian.

Nagulat na lang ako, iiwan na daw niya ako. Siyempre hayskul student pa kaya mausisa ka talaga, opkors tinanung ko kung bakit daw. Hanep sa sagot ang chickas hindi na daw niya maramdaman na boypren niya ako at mas nararamdaman pa daw niya na kaklase lang ang tingin niya sa akin. 5…4…3…2…1 mga ganyang minuto ako natigalgal, damn di ko alm kung isa lang yun sa mga pa tweetums effect ng mga babaeng kahit kelan di pa nadidiligan ang bulaklak pero ako si gago walang nagawa kundi tanggapin ang katotohanan na ang mga balak ko ay kailanma’y hindi na matutuloy.

Aaaminin ko, umuwi akong umiiyak kahit na nasa jip ako. Alam kong ganun na lang kung makatingin ang ibang mga pasahero, pake ba nila eh nasaktan ako. Wow!

Kinabukasan pasok ako, masipag mag-aral eh torpe naman sa pag-ibig hehehe nalaman ko na lang na yung dati kong chickas meron nang ipinalit sa akin. Ayos, pwede na din pero mataas ang self-esteem ko nun sinabi ko na mas cute ako jan pero wala na akong pakialam noon. Tapos na kami kaya bakit ko pa susundan ang love story nila kung pwede naman akong gumawa ng sarili kong love story… Alam mo kung anung love story yun? Hehehe

No comments: